Matthew 7:16-20

16Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Ang matitinik na halaman ay hindi namumunga ng ubas o igos. 17Ang mabuting puno ay namumunga ng mabuting bunga, at ang masamang puno ay namumunga ng masama. 18Ang mabuting puno ay hindi namumunga ng masama, at ang masamang puno ay hindi namumunga ng mabuti. 19Ang lahat ng punong hindi namumunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. 20Kaya nga, makikilala ninyo ang mga huwad na propeta sa kanilang mga gawa.”

Copyright information for TglASD